Mababaw –Ang Ateismo

Ang paninindigang  "walang Diyos" ay walang anumang sangkap. Ang ateismo ay walang anuman kundi isang pagtakas mula sa lahat ng mga katotohanan.


GENESIS 1:1
Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang mga langit at ang lupa.

Nilikha ng Diyos ang mga langit at ang lupa. Iyon ay katotohanan, at napaka-siyentipiko rin. Ayon sa pananaliksik, ang uniberso ay humigit-kumulang na 13.8 bilyong taong gulang, habang kinalkula ng mga siyentipiko na ang Daigdig ay 4.54 bilyong taong gulang. Ang mga bagay na nasa langit ay unang nilikha at pagkatapos ay ang lupa.

AWIT 53:1
Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Diyos.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan; walang gumawa ng mabuti.

Alam nating lahat sa pamamagitan ng ating mga puso na mayroong Diyos: sapagkat kung hindi gayon, ang mga ateista sana ay dising di itatangi ang Kaniyang pag-iral. Walang dahilan upang itanggi at sisihin ang isang hindi umiiral. Ano ba naman yan!
Ang isa pang katotohanan: hindi nila mapabulaanan ang Kanyang pag-iral, kaya pinasasama na lamang nila Siya.

ROMA 1:20
Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanlibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka-Diyos; upang sila'y walang madahilan:

Ang paniniwalang walang Diyos –na nagdisenyo at gumawa ng malawak na uniberso, ng kahanga-hangang katawan ng tao at ng lahat ng magagandang bagay –ay isang ganap na pagpapahayag ng kamangmangan. Pag-isipan lamang ang mga bagay na ginawa, at maunawaang tiyak na mayroong Diyos.

Ang isa pang katotohanan: hindi raw sila naniniwala sa Diyos; Gayunpaman, sinisisi nila ang Diyos sa lahat ng pagdurusa ng sangkatauhan.
Ang mga ateista ay tumatakas mula sa lahat ng mga katotohanan na hindi nila nauunawaan, ni nalalaman. At paano nila mauunawaan ang mga yaon kung ang kanilang mga isip ay tila katulad ng kanilang teorya ng Big Bang? Ang kanilang mga isip ay waring walang laman at nagsisabog.

Comments