Para Sa'king Sinta

Alamin mong kita’y minahal;
At sa aking puso ay nukal
Ang pag-ibig na wagas
At tila kailanma’y hindi magwawakas.
Yaong tipong tatawirin maging mga dagat,
Sasalubungin kahit mga laksang sibat,
Kung kinakailangan
Upang ang katagang “Mahal din kita,” sa iyo’y makamtan.
Gagawin ang lahat na ikabubuti mo't ikaliligaya
Sapagkat yaon ang adhika.
Anumang hirap kung ang katumbas ay iyong ngiti,
Magiging sarap kahit ang hapdi.
Kaya’t kung sa kaniya ka masaya
Nakahanda na kong magparaya.

Comments