Isang Payo sa Paglalakbay

Ang ating buhay sa lupa ay isang paglalakbay. At sa paglalakbay na ito, maraming mga daan. Ang mga daang yaon ay mga landas na naiiba sa isa't isa. Dahil hindi tayo maaaring lumakad sa dalawa o higit pang nagkakaiba't ibang landas nang sabay, kailangan nating tiyakin na tayo'y lumakad sa tamang landas upang ang ating mga pagsisikap ay hindi mawawalan ng kabuluhan. Palaging ilagay sa puso at sa isipin na hindi marapat tayong pumasok sa landas ng kasamaan sapagkat ito ay mali at mapanganib na landas.
Ang dikta ng lohika, kung hindi tayo nararapat na pumasok sa daan ng kasamaan, gaano pa tayong hindi dapat lumakad sa ganoong daan! Ibig sabihin, hindi tayo dapat mamuhay sa kasamaan. Sapagkat ang paraan ng ating paglakad ay ang paraan ng pamumuhay na mayroon tayo, at ang kahulugan paglakad ay pag-uugali.
Upang hindi tayo mabuhay sa kasamaan, huwag tayong maging kasama ng masasama. Laging alalahanin na ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting pag-uugali.Ngunit, ano nga ba ang daan ng kasamaan na hindi natin dapat lakaran?
Ang daan ng kasamaan, ayon sa Biblia, ay parang kadiliman.Sila na nagsisilakad dito ay hindi nalalaman kung ano ang nagpapatisod sa kanila. Kaya't ang daan ng kasamaan ay isang buhay na walang katiyakan, kung maaari mong tawagin itong buhay.
Maraming mga alalahanin at problema sa kadiliman.Ang paglalakad sa isang madilim na kalye ay may maraming mga kapanganiban. Tiyak na ang mga magnanakaw at mga katulad ay naroon sa gayong daan. Bukod diyan, hindi ka makatitiyak sa iyong pinaparoonan kung hindi mo nakikita ang iyong nilalakaran dahil sa kadiliman. Ganoon ang pamumuhay sa kadiliman.
Huwag kang lumakad sa daan ng kasamaan ni pumasok sa landas ng masama.Huwag maglakbay roon. Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka.Hawakan mong mahigpit ang turong ito.
Ang daang marapat nating lakaran ay ang daan ng karunungan. Ito ang landas ng matuwid. Ito ay tulad ng nagniningning na araw, na sumisilang nang higit at higit sa sakdal na araw. Marapat tayong lumakad dito –sa inihanda ng Diyos nang una sapagkat tayo ay Kaniyang gawa, na nilikha kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa.


Comments